Luntiang Parangal


Ang Gawad Lider ng Taon ay ipinagkakaloob sa isang indibidwal na nagpapamalas ng kapuri-puring pamumuno sa loob ng taong panuruan, napanatili ang mahusay na pagganap akademiko, at aktibong nakikilahok bilang pinunong mag-aaral sa Lasalyanong misyon na pagkaisahin at tulungan ang iba para sa isang mahusay at nagkakaisang komunidad.

Maaaring magmula ang mga nominado mula sa USG, CSGs, PCs, USEC, CSO, PAG, RSOs, SAGs, ISA at SPs.

Mga Pormularyong Kailangang Punan

  Pamantayan

  • Isang bona fide na mag-aaral ng DLSU-D sa Taong Panuruan (TP) 2022 - 2023.
  • Hindi nakapagtamo ng anumang medyor na paglabag simula ikalawang semestreng nakaraang taong panuruan hanggang unang semestre ng kasalukuyang taong panuruan ayon sa berepikasyon ng Tanggapan ng Kapakanan at Pormasyong Pangmag-aaral.
  • Aktibong opisyal ng alinmang samahan sa loob ng pamantasan sa panahon na nagbukas ang panawagan na setipikado ng organisasyon.
  • Hindi nakapagtamo ng bagsak na grado sa anumang akademiko at di-akademikong aralin simula ikalawang semestre ng nakaraang taong panuruan hanggang unang semestre ng kasalukuyang taong panuruan na sertipikado ng Tanggapan ng Tagatala.
  • Ang tatanggap ng parangal sa kategoryang ito ay maaari pa ring maging kwalipikado sa susunod na taon kung siya ay nananatiling opisyal ng samahan sa kasalukuyang taon.

  Kailangang Dokumento

Sertipikasyon ng grado simula ikalawang semestre ng TP 2021-2022 at unang semestre ng TP 2023-2024.

*Isasaalang-alang ang panlahat na GPA ng nominado sa pagtutuos ng kaniyang akademikong pagganap.

  • 4.00 98 – 100
  • 3.75 95 – 97
  • 3.50 92 – 94
  • 3.25 89 – 91
  • 3.00 86 – 88
  • 2.75 83 – 85
  • 2.50 80 – 82
  • 2.25 77 – 79
  • 2.00 74 – 76
  • 1.75 71 – 73
  • 1.50 68 – 70
  • 1.25 64 – 67
  • 1.00 60 – 63
  • 0.00 Mababa sa 60

Pormat

Ang mga nominado ay kinakailangang magsumite ng naka-ring bind na dokumento na naglalaman ng sumusunod:

  • Nasagutang aplikasyong pormularyo.
  • Iniisa-isang proyekto o gawain sa loob ng pamantasan na inisyatiba at pinamahalaan ng samahan. Kinakailangan din na aprubado at suportado ito ng sipi ng mga panukalang proyekto at ulatkatagumpayan ng proyekto
  • Ang mga gawain/proyekto na hindi aprubado ng OSS ay kinakailangang suportado ng mga sertipiko ng mga tagapangasiwa ng programa
  • Sertipiko ng paglahok at iba pang kaugnay na proyekto/gawain
  • Sipi ng grado na mula sa portal ng mag-aaral
  • Sertipiko na hindi nagtamo ng paglabag sa organisasyon.

Ang hindi kumpletong dokumento ay hindi kikilalanin bilang opisyal na nominado.