
Sa pagsisimula ng bagong Akademikong Taon, patuloy nating ipagpasalamat at ipagdiwang ang pagiging mapagbiyaya ng Diyos sa ating Pamilyang Lasalyano. Sa Miyerkules, ika -07 ng Setyembre 2022, sama-sama nating ipagdiwang ang MISA NG BANAL NA ESPIRITU, sa ganap na ika - 2:00 ng hapon, sa ating Kapilya ng Ina ng Santo Rosaryo.
Simulan natin ang ating paglalakbay ngayong taon at ipanalangin ang patuloy na presensya ng Diyos sa mundo at maging sa iba't ibang larangan ng pag-aaral at aktibidad na ating ginagawa. Hinihiling natin sa Espiritu Santo na sumaatin, na gabayan tayo, pagpalain tayo at patnubayan tayo sa ating mga pagsisikap sa buong taon.
Magsama-sama nawa tayo upang ipagdiwang ang mga handog ng Espiritu Santo, habang “tayo ay sumusulong at pinag-aalab ang mundo” sa pag-ibig ng Espiritu.