Sa pangunguna ng Tanggapan ng mga Gawaing Pangmag-aaral ng Pamantasang De La Salle - Dasmariñas, kikilalanin sa Luntiang Parangal ang pinakamahuhusay na estudyanteng lider, artist, manunulat, atleta, mga konseho, at mga organisasyon.
Layunin ng taunang parangal na ito na maitanghal ang mga modelo sa pamumuno, pagkamit sa kahusayan, pagkakaisa, pagtutulungan, at higit sa lahat, paglilingkod sa kapuwa – mga katangian ng isang tunay na Lasalyano.
Nilalayon nitong matamo ang sumusunod:
Kilalanin ang ambag ng mga mag-aaral, mga organisasyon, at mga konseho na nagpakita ng kahusayan sa larangan ng serbisyong pangmag-aaral.
Maipakita ang diwa ng pananampalataya sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang kapuwa mag-aaral at pamayanan.
Maipamalas ang pagiging masigasig sa paglilingkod sa pamamagitan ng pagpapalakas sa panawagan sa pagkilala sa pagpupunyagi ng mga mag-aaral.
Tungo sa pagtatamo ng diwa ng pagkakaisa, hinihikayat ang bawat Lasalyano na maging mahusay hindi lamang sa larangang akademiko maging sa kapaki-pakinabang na mga gawain at paglahok sa mga samahang pangmag-aaral na tutugon sa misyon at bisyon ng institusyon.
Mga Kategorya:
Gawad San Juan Bautista De La Salle para sa Kahusayan sa Pamumuno
Lider ng Taon
Grupo ng Sining Pagtatanghal ng Taon
Pamahalaang Pangkolehiyo ng Taon
Konsehong Pamprograma ng Taon
Ko-Kurikular na Samahan ng Taon
Organisasyong Pang-interes ng Taon
Pinakamahusay na Proyekto sa Pangingilak ng Pondo
Pinakamahusay na Proyektong Pampaglilingkod
Opisyal ng Taon para sa Grupo ng Sining Pagtatanghal
Opisyal ng Taon para sa Pamahalaang Pangkolehiyo
Opisyal ng Taon para sa Konsehong Pamprograma
Opisyal ng Taon para sa Ko-Kurikular na Samahan
Opisyal ng Taon para sa Organisasyong Pang-interes
Opisyal ng Taon para sa Pampamantasang Konsehong Pangmag-aaral
Opisyal ng Taon para sa Konseho ng Organisasyong Pangmag-aaral
Opisyal ng Taon para sa Komisyon ng Eleksyong Pangmag-aaral