Sa kursong ito, inihahanda ang mga mag-aaral na malinang ang kaalaman nang buong husay sa wika at panitikan, tungo sa malalim at malawak na pang-unawa sa mga isyu at kalakarang pangwika at panliteratura kaugnay ng kanilang disiplina. Sa dakong huli ay mapalakas ang diwa ng nasyonalismo at ng iba pang mga pagpapahalagang moral na napapaloob sa kulturang Lasalyano.

Master of Arts in Filipino
Sa kursong ito, inihahanda ang mga mag-aaral na malinang ang kaalaman nang buong husay sa wika at panitikan, tungo sa malalim at malawak na pang- unawa sa mga isyu at kalakarang pangwika at panliteratura kaugnay ng kanilang disiplina. Sa dakong huli ay mapalakas ang diwa ng nasyonalismo at ng iba pang mga pagpapahalagang moral na napapaloob sa kulturang Lasalyano.
Alinsunod sa Mga Layunin sa Pagkatuto ng Institusyon, ang programa ay idinisenyo upang:
- mapalalim ang kaalaman ng mag-aaral sa pundasyong teoretikal at konseptuwal sa disiplinang Filipino;
- malinang ang kasanayang pedagohikal ng mga mag-aaral sa wikang Filipino, panitikan ng Pilipinas, at kulturang Pilipino;
- makabuo ng mga pag-aaral at pananaliksik ang mga mag-aaral na magagamit sa pagtuturo-pagkatuto ng wika, panitikan, at kultura;
- Makapag-ambag sa intelektwalisasyon ng Filipino at karunungang Pilipino sa pamamagitan ng mga akademikong Gawain; at
- Maitanghal ang Lasalyanong identidad at maka-Kristiyanong edukasyon at mga pagpapahalaga.
Sa matagumpay na pagkumpleto ng programa, ang mga mag-aaral ay magagawang:
- maisapraktika ang mga batayang teoretikal, konseptuwal, at pedagohikal kaugnay sa mga usaping pangwika, pamapanitikan, at pangkultura;
- mapaghusay ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Filipino at panitikang Pilipino na magagamit sa pagtuturo at pananaliksik;
- mapalalim ang kaalaman sa wikang Filipino at panitikang Pilipino bilang behikulong huhubog sa multidisiplinaryong perspektiba;
- mapaigting ang pagiging mapanuri at malikhain na magagamit sa propesyon at pakikipag-unayan sa pamayanang lokal at global;
- makapaglathala ng mga pananaliksik na magtatampok sa mga wika sa Pilipinas, panitikan ng bansa, at kulturang Pilipino sa pangkalahatan nito; at
- mailapat ang maka-Lasalyano at maka-Kristiyanong edukasyon at pagpapahalaga sa disiplinang kinabibilangan.
Batayang Kurso (9 Yunits)
- Wika at Literatura
- Linggwistika
- Pinaunlad na Pananaliksik sa Wika
Kursong Pangmedyor (15 Yunits)
- Kritikal na Pagsusuri ng Panitikan
- Pagsasaling-wika
- Seminar sa Malikhaing Pagsulat
- Pagsusuri ng Diskurso
- Mga Isyu at Kalakaran sa Wikang Filipino
- Bilinggwalismo
- Pagsusulit Wika
Kogneyt (6 Yunits)
- Mga Babasahin sa Kulturang Popular
- Wika bilang Negosasyon
- Sintaks ng Wikang Ingles
- Kwalitatibong Pananaliksik
- Kwantitatibong Pananaliksik sa Wika
Kailanganing Institusyunal
- The Life and Philosophy of St. John Baptist De La Salle
Additional Requirements
- Comprehensive Examination
- Publication in a refereed journal
- Thesis Writing
- Original and two photocopies of his/her transcript of records
- Accomplished application form
- Two letters of recommendation from previous professors or employers
- Two copies of 2 x 2 picture
- An interview with the CLAC GS director and/or CLAC Dean
- Satisfactory test results in the Graduate Admissions Examination
- The maximum residency for master’s program shall be seven (7) years and nine (9) years for doctorate program including thesis/ dissertation writing (CHED Memorandum Order series of 2007, section 18).
- A student who fails to complete the program within the given period will have to enroll six (6) units of refresher courses with additional three (3) units for each of the succeeding years unt il the completion of the degree. The refresher courses to be enrolled are the following: Research, Statistics, and major subjects.